Tuesday, September 7, 2010

Sino ba ako?



Sino ba ako? 

Ang blog na ito ay magsisilbing lathalaan ng mga larawan at katayuan sa buhay (Profile) ng mga taong may mabubuting kalooban na laang tumulong sa ating namamatay na kalikasan at naghihirap na kababayan......sila ay malalathala sa blog na ito habang may computer at internet na ginagamit sa mundo na sila nilang magsisilbing legasiya (Legacy) sa bansang Pilipinas....

Inang Kalikasan - Ako ang iyong "Inang Kalikasan" na siyang tumutulong upang makasagap ka ng sariwang hangin na kailangan ng iyong kaluluwa at katawan, na nagbibigay sa iyo ng sariwang pagkain, isda, prutas, at gulay, ako ang nagsisilbi mong proteksiyon at pananggalang sa sandali ng mga bagyo sa inyong mga kalupaan, at pumipigil ng mga tubig ulan upang hindi makapinsala sa mga buhay at ari-arian......

Sa mga binibigay mong pinsala sa iyong mga kapaligiran, sa iyong kailogan, sa iyong kalupaan at kabundukan, at sa iyong karagatan na mga likas kong mga anak na katulad mo na isa din sa mga likas na nilalang, ay wala na akong magagawa para ka maproteksiyunan, pinipinsala mo ang mga anak ko at mga kapatid mo, kaya nararapat lang na tangapin mo ang parusa at ganti ng iyong "Inang Kalikasan"!


????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????